Home ENTERTAINMENT Kim, hindi raw inaalagaan, inuurutang lumayas sa ABS-CBN!

Kim, hindi raw inaalagaan, inuurutang lumayas sa ABS-CBN!

Manila, Philippines- Is Kim Chiu getting a shabby treatment from her studio?

Kung ganoon lang din daw siya tratuhin ng Star Cinema, Kim might as well jump ship!

Ito ngayon ang pang-uurot sa Chinita Princess matapos ilipat at a later playdate ang kanilang movie ni Paulo Avelino.

From the original playdate na February 12, ginawang March 26 na ang showing ng supposed Valentine offering ng Star Cinema na My Love Will Make You Disappear.

Dahil na dito kung kaya’t pinapalagay na patama ang cryptic post ni Paulo sa film arm ng ABS-CBN na “ma-experience ngang huwag tapusin ang pelikula!”

Kaagad namang ikina-panic ito ng taga-Star Cinema na agad nag-isyu ng paliwanag to justify the change in playdate.

Ayon sa kumpanya, sinadya raw nilang i-delay ang showing to tap the global market most especially North America.

Hindi naman umubra ang palusot na ito sa mga Kim fans.

Anong global market, eh, inilaan nga raw ang pelikula para sa Valentine’s Day?

Does Star Cinema think na titiba ito sa takilya sa March which is near Holy Week?

Naikumpara tuloy ang ‘di hamak na mas magandang trato kay Kathryn Bernardo.

Dahil all-out support ang mga fans kay Kim ay inuurutan siya na hintayin na lang daw nitong mag-expire ang kanyang kontrata at maghanap na ng ibang malilipatan!

Siyempre, wala namang ibang sisilungan si Kim kundi GMA.

If ever–although this seems to be a remote idea–sasaluhin siya ng GMA and its film arm GMA Pictures.

‘Yun nga lang, hindi puwedeng karayin doon si Paulo na lumayas nga sa GMA in search for greener pastures, ‘di ba?

Dare! Ronnie Carrasco III