Home ENTERTAINMENT Kim, may pakiusap, humingi ng respeto kay Xian!

Kim, may pakiusap, humingi ng respeto kay Xian!

Manila, Philippines- Sa ekslusibong panayam ni MJ Felipe, naurirat si Kim Chiu sa mga naging pahayag ng ex na si Xian Lim tungkol sa estado ng naging paghihiwalay nila ng chinita actress.

May nabanggit kasi ang aktor sa isang panayam na hindi siya ang nag-initiate ng breakup nila ng “It’s Showtime” host na nabigyan ng iba’t-ibang kulay ng kibitzers.

Sa promo naman ng kanyang pelikula, nasabi ng aktor na willing siyang makatrabaho ang dating girlfriend lalo pa’t maayos naman ang kanilang naging paghihiwalay.

Once and for all, nagbigay naman si Kim ng kanyang side hinggil sa mga naging statement ng ex.

“Parang ‘yung post ko nu’ng December sabi ko, ‘this will be the last time na pag-uusapan ko ito.’

“Pero parang ang dami pa rin. Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire,” ani Kim.

Kamakailan naman, naging usap-usapan ang ginawang pagbura ng aktres sa mga litrato ni Xian sa kanyang Instagram account.

Sey pa ni Kim, umaasa raw siya na sana ay iwasan na ng ex na magbigay ng pahayag sa kanilang dating relasyon.

“It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama ‘yung loob ko,” ani Kim. “Kasi paulit-ulit na lang. Let’s give it a rest and let’s leave respect to each other,” dugtong niya. Archie Liao