Manila, Philippines- Nang pumasok si Kim Chiu kasama ang ka-loveteam na si Paulo Avelino sa Bahay Ni Kuya ay nagbigay siya ng payo sa mga housemates bilang siya ang isa sa pinakamalaking artista na produkto ng nasabing reality show.
Si Kim ang tinanghal na Big Winner sa PBB Teen edition noong 2006.
Payo ni Kim ay huwag matakot mangarap ang mga housemates. Importante rin daw ang pakikisama.
Dahil lahat ng housemates ay may kani- kaniyang ugali, learn to compromise, sabi pa niya.
Kapag may problema raw sa ibang housemates ay makipag-usap ng masinsinan. Magpakatotoo lamang daw.
Ang payong ito ni Kim ang nagdala sa kanya kung nasaan man siya ngayon.
Aminado si Kim na bago siya pumasok sa showbiz ay wala siyang alam.
Hindi marunong umarte, kumanta ar sumayaw pero dahil pursigido siyang matupad ang pangarap ay sinikap niyang matutunan ito.
Speaking of KimPau, sa panayam sa kanila ni MJ Felipe ay tinanong nito si Kim kung totoo bang pinagpatuloy nito na halikan si Paulo sa pelikula nilang My Love Will Make You Disappear, maski nagsabi na ang kanilang direktor na si Chad Vidanes ng cut.
“Hindi ko narinig kung cut o hindi?” sey ni Kim
Sey naman ni Paulo, “Kami naman ni Kim sumusunod lang sa sinasabi ng direktor namin at sa script.”
Samantala, ang MLWMYD ang pinakamalakas na pelikulang Pilipino sa takilya ngayong 2025. Kumita ito ng P12M sa unang araw pa lamang na ipinalabas ito.