Home ENTERTAINMENT Kim, prima donna?

Kim, prima donna?

Manila, Philippines- Pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa nai-post ng isang netizen sa isang portal.

Ito ay may kinalaman sa traumatic na pakikipagtrabaho niya kay Kim Chiu.

Ayon sa kanyang mahabang hanash, matagal na raw siyang back up dancer sa “It’s Showtime.”

Nag-throwback pa ito sa kanyang naging karanasan sa chinita actress.

Some years ago, noong nag-guest daw si Kim sa nasabing noontime show, six hours daw siyang pinaghintay ng aktres sa kanilang dance rehearsal.

5 pm daw ang calltime nila pero dumating daw si Kim ng 11 pm.

Nang sumulpot daw ito, never daw naman itong nag-sorry sa kanila.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang post ng nabanggit na netizen.

Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.

“Good morning sa 6 hours na pinagantay ang backup dancers ng showtime noon tas hindi man lang nagsorry??? NAKAKALOKA! HINDI NAKAKAPRIMETIME QUEEN ANG ATTITUDE! KIM CHIU BEST IN LATE AWARDEE TREWWW? “

“If you have worked in TV production, alam mo na normal ang delays. Dapat ready ang lahat sa ganyan. There are unforseen circumstances na pwede mangyari. Hindi ka pwede magreklamo kasi trabaho mo yan. Para gawing issue, mali. 6 hours ba kamo? Ako nga na-experience ko 20 hours.”

“Its not even about the delays, UNG PAG SORRY SANA AT RESPETO ANO? JUSKO PARANG DI NAG GRADE 1.”

“Bakit? Bakit ngayon lng nalabas mga ganyang issue? kung tlagang masama ugali ni kimmy, bakit full of blessing and daming nag mamahal sa kanya? Basic question paki sagot ngaw ngaw kasi eh pag inggit pikit na lng.”

Bukas naman ang pitak na ito sa panig ni Kim sa alegasyon ng nasabing netizen. Archie Liao