Home ENTERTAINMENT KimPau, nagli-live in sa BGC?

KimPau, nagli-live in sa BGC?

1
0

Manila, Philippines – Aligaga to the max ang KimPaulandia sa pagtutok sa mga ganap sa romansa sa pagitan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Bagama’t nananatiling subject to confirmation, kung pakikinggan ang tsika ng ilang KimPau fans, tipong mapapaniwala ka.

A case in point ay ang tsika sa Paulo Avelino Facebook fan page, kung saan naninirahan as in nagli-live in umano ang Kapamilya couple sa isang condo unit sa Bonifacio Global City o BGC sa Taguig City.

Sumusumpa ang isang faney: “Hindi na po sa Pasig City umuuwi ‘yang dalawa. Minsan na lang sila pumupunta doon!”

Ayon pa, kaibigan daw ng faney ang broker na binilhan nila ng said BGC property.

Again, pagpupumilit nito: “Mag-asawa na po ‘yan dahil conjugal ‘yung naka-state sa title ng property.

“Names nilang dalawa. Nasa BGC condo sila while ongoing ang renovation ng bahay nila sa Forbes Park!”

Kung totoo man, this must be good tidings for all KimPau fans, na after all ay umaasang ang couple na ang endgame.

Lalabas at lalabas din naman ang anumang itinatago! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here