Home ENTERTAINMENT King, inatake sa puso, nanawagan ng tulong!

King, inatake sa puso, nanawagan ng tulong!

Mamila, Philippines – Sa pamamagitan ng kapwa beteranong character actor, nananawagan ng tulong si Dindo Arroyo para kay King Gutierrez.

Kasalukuyang naka-confine si King sa Philippine Heart Center sa East Avenue, Quezon City.

Ito’y makaraang atakihin siya sa puso at kinallangang isugod sa nasabing pagamutan.

Napag-alaman na tatlong ugat sa puso ni King ang barado.

Ayon kay Dindo, kailangan ng kasamahan sa industriya ng agarang operasyon.

Nananawagan si Dindo sa mga nakatrabaho ni King ng tulong pinansyal para sa isasagawangoperasyon sa lalong madaling panahon.

Bumaha ng mga panalangin ang panawagan ni Dindo sa social media para kay “Brother King.”

Ang ibang mga netizen ay nagpayo sa kanya na iwasan ang ilang pagkaing makasasama sa kalusugan ni King.

Ibinahagi ni Dindo ang ilang larawan ng kaibigan na nakaratay sa ospital.

Ang alam nami y makakaasa ng tulong ang hanay ng mga character actor mula sa Mowelfund.

May allotted funds ito para sa mga manggagawa ng pelikula.

Gayunpaman, kumakatok si Dindo sa mga ibang kasamahang kilala sa pagkakaroon ng mabubuting puso sa pagtulong sa kanilang mga colleagues.

Walang detalye tungkol sa personal na buhay ni King, o malalapit na kaanak na nag-aasikaso sa kanyang kalagayan.

Mangyaring kontakin lamang si Dindo ng mga nais magpaabot ng tulong para kay King.

Hindi pa tiyak kung ang kakallanganing procedure para kay King ay angioplasty o heart bypass.

Mula sa Remate Online, dasal naming malampasan ni King ang kanyang kalagayang pangkalusugan. Ronnie Carrasco III