Manila, Philippines- Petsa na lang ang kulang at ganap nang Mrs. Stephan Estopia na si Kiray Celis.
Engaged na nga ang diminutive comedienne to her non-showbiz boyfriend.
Limang taon na silang magkarelasyon.
Ang masayang balitang ito ay ibinahagi mismo ni Kiray sa Instagram.
She posted some photos showing Stephan na nakaluhod sa kanyang harapan bilang pagpo-propose na naganap sa isang beach resort.
Naging emosyonal si Kiray nang isinusuot na niya ang singsing mula sa nobyo.
Kiray aptly captioned the photos: “Ang CEO ng Hot Babe, Hello Bloom at Day-Li ay engaged na!”
Sinaksihan ng mga magulang at kapatid ni Kiray ang proposal na ‘yon as well as Stephan’s family.
Ilang lang sa mga bumati sa Kapuso star ay sina Marian Rivera, Ai Ai de las Alas na tinawag siyang “bebe” ko, Donnalyn Bartolome, Jopay Paguia, among others.
Matatandaang naibida ni Kiray sa social media ang pagmo-mall nila ni Stephan, na nagka-canvass ng diamond ring.
Pero mahigpit na bilin ni Kiray, dapat daw na ang halaga ng singsing ay hindi bababa sa kalahating milyong piso.
“Bakit ganoon kamahal? Eh, may trabaho naman siya, ‘no! Galingan niya para ma-afford niya!” katwiran ni Kiray.
In a recent interview on Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Kiray na hindi pa raw siya handang magpatali, citing she has yet to fulfill her dreams. Ronnie Carrasco III