Manila, Philippines – Nakakatuwa naman ang singer-actress at content creator na si Donnalyn Bartolome dahil sabi niya, ang kikitain niya sa kanyang YT channel ay ido-donate niya sa mga nasalanta ng super typhoon Carina.
“Babies sorry di ako nakakapag-update ng ilang araw, madaming need gawin. Gusto ko lang kayo update na iniwan namin noon yung boats kung saan usually binabaha lagi at agad agad silang nagamit the same day the flood hit us because of bagyong Carina,” simulang pagbabahagi ni Donalyn sa kanyang IG accout.
Patuloy pa niya, “Yung income sa pagnood niyo sa lahat ng videos simula noon til now dito sa projects na ganito napupunta kaya salamat sa inyo.
“Kailangan niyo malaman na bawat click niyo sa videos ko at pag-support niyo sa kahit ano mang ginagawa ng team namin ay napupunta sa mga ganito so need niyo rin mapasalamatan.
“After the flood we’ve also demonstrated prevention na pwedeng gawin sa bansa natin. Pero yun po yung isa sa pinakamababang views na video ko sa channel ko way way back pa 3 years ago.
“Sana mas maraming ma-inform na maraming paraan pa and PREVENTION IS THE CURE. Praying everyone is safe and is staying safe,” dagdag pa ni Donnalyn. Rommel Placente