Home OPINION Kyline, tinawag na ‘next superstar,’ inalmahan!

Kyline, tinawag na ‘next superstar,’ inalmahan!

Manila, Philippines – Maraming nagmamaldita ang umalma sa caption ng latest issue ng Mega Magazine.

Featured kasi rito ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara bilang cover girl.

May catching title rin ang artikulo na “The Making of The Next Superstar.”

Maraming mahadera ang nagtaas ang kilay sa pagtawag sa kanya bilang susunod na superstar.

Hirit nila, wala pa raw sa level ang actress ng isang Barbie Forteza at ibang prinsesita ng GMA-7.

May mga kuning-kuning din silang pula na nagmukhang matanda ang aktres sa gayak nito at may anggulong jumo-Jona.

Ito ang ilang pa-savage nilang mga komento.

“Next superstar. May project ba siya sa GMA-7?”

“Oo naman, may Shining Inheritance pero di niya solo.”

“Sorry wala pa siya sa level at di pa siya papuntang superstar status.”

“Magproprotesta ang fans nina Barang, Julie Anne at Jillian.”

“Isa lang ang hit series niya, iyong Kambal Karibal. After that, waley na.”

“Ay kinabog sina Barbie at Julie Anne.” Archie Liao