Home NATIONWIDE Klase sa NCR sinuspinde ng Malakanyang

Klase sa NCR sinuspinde ng Malakanyang

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Malacañang ang pagkansela ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas sa National Capital Region noong Lunes, Setyembre 2, 2024 dahil sa masamang panahon na dulot ng Tropical Storm Enteng (international name: Yagi).

“In view of the inclement weather brought about by Tropical Storm “Enteng,” classes in public and private schools at all levels within the National Capital Region on 02 September 2024 are hereby suspended,” ang nakasaad sa kalatas ng Tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ay itinaas nitong Lunes ng umaga sa pitong lugar sa Luzon habang ang Tropical Storm Enteng (internasyonal na pangalan: Yagi) ay inaasahang magdadala ng mga pag-ulan at lakas ng hangin, sabi ng PAGASA. RNT