Home OPINION ONE RAHA BAYANING PULIS BLOODLETTING MATAGUMPAY

ONE RAHA BAYANING PULIS BLOODLETTING MATAGUMPAY

118
0

SALAMAT sa pamunuan ng Police Regional Office 3 sa pangunguna ni PBGen Jose Hidalgo Jr. sa pagbibigay ng pagkakataon sa Red Bank Foundation at Fe Del Mundo Medical Center upang makapagsagawa ng bloodletting activity sa Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga.

Ginawa ang programa na may pamagat na “One Raha Bayaning Pulis” Bloodletting activity noong Agosto 30, 2024, Biyernes sa mismong Makatao Activity Center sa loob ng Camp Olivas na totoong tinao o dinaluhan ng mga pulis ng Pampanga Police Provincial Office na pinamumunuan ni PCol Jay Dimaandal at mga pulis ng Regional Mobile Force Battalion na pinamumunuan ni PLt.Col Cornelio Ordanza.

Bagaman marami sa mga tauhan ng dalawang opisyal ng PRO3 ang ipinadala bilang augmentation sa Davao City at ang marami rin sa kanilang pulis ay madalas magbahagi ng kanilang dugo sa iba’t ibang pagamutan sa Pampanga, hindi pa rin naging hadlang upang hindi makakuha ng sapat na donors ang medical team ng Red Bank Foundation at Fe Del Mundo.

Umabot din sa halos isang daang pulis mula sa iba’t ibang istasyon ng Pampanga PPO ang nagtungo sa bloodletting activity upang ibahagi ang kanilang dugo sa mga nangangailangan.

Ang dugong nakuha mula sa mga pulis ay malaking tulong sa mga batang nakaconfine sa Philippine Children’s Medical Center na karamihan ay tinamaan ng dengue, sakit na usong-uso ngayong tag-ulan.

Pasalamat din ang grupong nagsagawa ng bloodletting sa pangunguna ni Dr. Jennie Wong, medical director ng Fe Del Mundo, at Jonathan Teng, head ng Red Bank Foundation, kina PMaj Vicky Tamayo, ng RD’s office, at PCol. Amado Mendoza, city director ng Angeles City Police.

Bukod sa pasalamat, sinabi ni Wong na bagaman konti lang ang nakuhang dugo kaysa inaasahan, magsisilbing malaking tulong pa rin ang dugo ng mga pulis na walang sawang tumutulong sa mga nangangailangan lalo na ngayong panahon na kokonti ang available na dugo sa mga pagamutan.

Sa parte naman ng Pakurot, salamat sa mga pulis ng RMFB na sa simula pa lang nang pagtungo sa kanilang tanggapan ay agad na ang mga itong kumilos para sa bloodletting.

HIling ng isa sa mga director ng Red Bank Foundation na si Gary Pua, sana nga ay magtuloy-tuloy pa ang pagiging bukas ng PNP sa pagbibigay ng kanilang dugo sa pagdudugtong ng buhay sa mga maysakit at naaksidente lalo na iyong lubos na nangangailangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here