Home HOME BANNER STORY KOJC compound kailangan pang mas halughugin – Abalos

KOJC compound kailangan pang mas halughugin – Abalos

MANILA, Philippines – Mas marami pa umanong dapat masuyod na lugar sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City kung saan muling inihain ang warrants of arrest ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa nito akusado.

Ayon kay Abalos, maliit na bahagi pa lamang ng KOJC compound ang naikutan ng mga tauhan ng NBI.

“Nakita niyo naman kung gaano kahirap. Ang entire property, kung hindi ako nagkakamali, is about 35 hectares, more or less approximately. Ang naikot lang ng NBI is only one area, it is only the dome area, that is only 4 hectares… marami pang structures na dapat ikutan sa lugar na iyon,” sinabi ni Abalos sa panayam ng ABSCBN News.

Nitong Biyernes, Agosto 9 ay sinubukan ng National Bureau of Investigation in the Southeastern Mindanao Region (NBI-SEMRO) ang warrants of arrest matapos namakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na nasa loob pa ng compound si Quiboloy.

Ang mga abogado ng KOJC lamang ang tumanggap ng mga warrant.

“Ganoong kahalaga na mahanap, hindi lang si Pastor Quiboloy, kundi iba na rin na mayroon talagang warrant na nakalatag ngayon, napakahalaga po niyan.”

Siniguro ni Abalos na ginagawa na rin ng Philippine National Police ang lahat ng makakaya para mahanap ang puganteng pastor.

“The police is trying their best, medyo mahirap ang trabaho, kaya double time, marami kang ibang hinahanap, pero modesty aside, marami rin naman ibang nahuli,” aniya. RNT/JGC