Home METRO Koko nanguna sa sarbey sa pagkakongresista sa Marikina

Koko nanguna sa sarbey sa pagkakongresista sa Marikina

MARIKINA CITY — Base sa pinakabagong survey ng Pulso ng Marikenyos na isinagawa mula Disyembre 14, 2024 hanggang Enero 30, 2025, lumalabas na si Koko Pimentel ng Nacionalista Party ang nangunguna sa laban para sa pagka-kongresista ng Unang Distrito ng Marikina.

Nakakuha si Pimentel ng napakalaking 75.86% ng boto mula sa kabuuang 2,900 na sumagot sa survey, na naglagay sa kanya sa unahan ng listahan.

Samantala, ang kanyang karibal na si Marcelino Teodoro ng National Unity Party (NUP) ay malayong pumangalawa na may 22.34% lamang ng boto.

Para naman sa Ikalawang Distrito ng Marikina, pinangunahan ni Miro Quimbo ng Lakas ang survey sa 66.67% ng boto mula sa 1,500 respondents.

Pumangalawa si Donn Carlo Favis ng NUP na may 28.40%, habang nasa mas mababang puwesto sina Mauro Arce at Jose Jaime Enage, parehong independyente, na may 2.07% at 1.87%, ayon sa pagkakasunod.

Ang resulta ng survey ay nagpapakita ng malakas na suporta kay Pimentel at Quimbo sa kani-kanilang distrito, habang patuloy ang pag-aabang sa nalalapit na halalan.

BASAHIN RESULTA NG SURVEY:
https://www.facebook.com/share/p/15d218nbgL/