Home NATIONWIDE Koleksyon ng BOC ‘gang Agosto lampas ng P5.1B sa target

Koleksyon ng BOC ‘gang Agosto lampas ng P5.1B sa target

MANILA, Philippines- Ibinida ng Bureau of Customs (BOC) na lumampas sila ng nasa P5.189 bilyon sa target nitong koleksyon ng kita para sa Enero hanggang Agosto 2024.

Batay sa ulat ng BOC, nakakolekta sila ng P614.781 bilyon sa nasabing buwan ng taong kasalukuyan kung saan lumampas ito sa target nitong koleksyon na P609.592 bilyon ng 0.9 porsyento.

Nabatid pa sa BOC na nasa 5.7 porsyentong pagtaas, o P33.290 bilyon, kumpara sa P581.491 bilyong nakolekta sa parehong panahon noong 2023.

Iniugnay ni Commissioner Bienvenido Rubio ang paglago ng kita sa mga epektibong istratehiya sa pagpapahalaga sa mga kalakal at pagtiyak ng import duty assessments.

“The significant revenue growth underscores the BOC’s effective strategies in valuing goods and ensuring precise import duty assessments,” ani Rubio.

“Through stringent customs compliance, the BOC has effectively minimized under-declaration and misclassification, enhancing efficiency, transparency, and overall fiscal management,” dagdag pa ng opisyal.

Samantala, ang koleksyon noong Agosto 2024 ay bumagsak ng 2.52 porsyento matapos makakolekta lamang ng P78.908 bilyon kumpara sa target nito para sa buwang P80.945 bilyon.

Ang nabanggit na kakulangan ay bunsod ng kamakailang mga pagbabago sa patakaran na kinabibilangan ng pagpapalabas ng Executive Order (EO) 62, na nagbawas sa taripa ng bigas mula 35 porsyento sa 15 porsyento, na nagkakahalaga ng P2.353 bilyong pagkawala ng kita.

Nagresulta rin sa P1.034 bilyong deficit ang pagbaba ng taripa ng sasakyang de-motor sa zero percent.

“These policy adjustments were essential for broader economic and consumer benefits, reflecting a strategic shift towards more affordable essential goods. Despite these temporary setbacks, the BOC remains resolute in its mission to achieve its 2024 revenue goals,” paliwanag ni Rubio.

“The BOC is actively addressing these challenges and working diligently to bridge the revenue gap, thereby supporting the country’s fiscal health and stability,” dagdag pa nito. JAY Reyes