Home NATIONWIDE Pagkakaroon ng kalaguyo pananakit sa asawa – SC

Pagkakaroon ng kalaguyo pananakit sa asawa – SC

MANILA, Philippines- Idineklara ng Korte Suprema na maituturing na sadyang pananakit sa asawa ang pangangaliwa.

Sinabi ng Korte Suprema may “criminal intent” na manakit sa asawa ang pangangaliwa, sapat para ituring na paglabag sa batas na Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC).

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, napatunayang guilty ang lalaki sa pagdudulot ng “mental and emotional anguish” sa asawa dahil sa pagkakaroon niya ng ibang babae at anak.

Ayon sa lalaki, wala naman siyang intensyong magdulot ng “mental and emotional distress” sa kanyang asawa nang siya ay mangaliwa.

Pero base sa Korte Suprema, likas na mali ang pangangaliwa base sa pamantayan ng lipunan, sa kultura o maging sa relihiyon.

Dahil mas nilalayong protektahan ng batas ang mga biktima kaysa parusahan ang nagkasala, tinitingnan ng batas ang epekto ng isang pagkakasala sa babae o bata, at hindi ang motibo ng nagkasala.

Paglilinaw ng Korte Suprema, ang desisyon na ito ay hindi maaaring gamitin sa mga hindi tradisyunal na setup ng pamilya o pakikipag elasyon sa iba na may pahintulot ng asawa dahil walang maituturing dito na “mental or emotional anguish. Teresa Tavares