Home OPINION KOLEKSYON NG DOF SA UNANG 7 BUWAN, TUMAAS NG 14.8%

KOLEKSYON NG DOF SA UNANG 7 BUWAN, TUMAAS NG 14.8%

90
0
Ikinatuwa ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang magandang balita na tumaas ang koleksyon ng ­Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC) at iba pang ahensiya mula January 2024 hanggang July 2024 ng 14.8% kumpara sa kaparehas na panahon noong 2023.
Ibinahagi ng kalihim sa Senate Committee on Finance sa isinagawang pagdinig kaugnay sa general appropriations act para sa 2025 na ang koleksyon ay umabot sa Php 2.6 trillion, mas malaki ng Php 33 billion sa kaparehas na koleksyon na ­    Php 2.27 trillion.
Tumaas ng 12.7% ang koleksyon ng BIR na umabot sa          Php 1.68 trillion sa loob ng pitong buwan ngayong taon kumpara sa Php 1.42 billion noong nakaraang taon. Habang ang BOC ay umangat ng 5.8% mula sa Php 506.5 billion noong 2023 na nga­yon ay Php 535.9 billion ngayong 2024.
Lumaki rin ng 14.9% o mula Php 17.8 billion noong 2023 na ngayon ay Php 20.4 billion ang koleksyon ng Bureau of Treasury at iba pang tanggapan sa ilalim ng DOF.
Sa koleksyong ito, nasa Php 368.8 billion ang mula sa non-tax revenues mula sa Php 255.3 billion noong 2023.
Ipinagmalaki ni Secretary Recto na ang strong revenue          performance ng DOF ay naglagay sa bansa bilang “Asia’s top revenue-to-GDP ratios” na nagrehistro ng 17.1% sa kalahati ng taong 2024, mas mataas ito sa full-year target na 16.1%.
Dagdag pa ng kalihim, bunga ito ng ipinatupad na BRAVE digitalization strategies kapwa ng BIR at BOC at tulong ng ibang ahensiya ng pamahalaan.
Ang BRAVE ay mga estratehiya para palakasin at maging  episyente ang koleksyon kabilang ang pagpapahinto sa smugg­ling at illicit trade.
Kabilang sa mga ginawang hakbang ang border security ­enhancement, revenue-base protection, adaptive regulations, compliance monitoring, enforcement operations, intelligence gathe­ring, effective engagement with stakeholders, at inter- agency cooperation.
Sa implementasyon ng BRAVE ay umaasa ang DOF sa 10.3% na taunang pagtaas ng koleksyon.
Kaya naman ang GDP percentage ay tataas ng mula 16.1% ngayong 2024 patungong 17%.
Mararamdaman ang gumagandang koleksyon sa pagbaba ng fiscal deficit na mula sa 5.6% nitong 2024 ay magiging 3.7% sa taong 2028.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here