Home NATIONWIDE Kompanya ng bus, pinatawag ng LTFRB sa viral ‘reckless driving’ video sa...

Kompanya ng bus, pinatawag ng LTFRB sa viral ‘reckless driving’ video sa expressway

223
0

MANILA, Philippines – Pinatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Victory Liner Inc. kaugnay ng isang insidente ng reckless driving na kinasasangkutan ng isa nitong bus driver sa isang expressway.

Ayon sa LTFRB, base sa isang viral video, makikita ang bus na gumawa ng “dangerous maneuver” laban sa isang truck.

“Fortunately, the truck driver did not respond as the bus sped off,” ayon sa ahensya.

Sinabi ni LTFRB Chair Vigor Mendoza II na “not acceptable” ang naging asal ng bus driver at kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa nag-upload ng video para sa imbestigasyon.

“I saw the video, and there is clearly a violation on the part of the bus driver. We are now investigating to determine if the bus was carrying passengers at the time of the incident,” ani Mendoza.

Batay sa show-cause order na may petsang Pebrero 9, inaatasan ang kinatawan ng Victory Liner na humarap sa pagdinig sa Pebrero 25 at isama ang driver na sangkot sa insidente.

Inutusan din ang kompanya at ang driver na magsumite ng paliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa nangyari.

Ayon pa sa kautusan, ang hindi pagharap sa pagdinig ay maaaring magresulta sa agarang pagpapataw ng parusa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here