SAAN nga ba nagsisimula ang kanser sa suso sa mga lalaki?
Ang bawat tao ay ipinanganak na may kaunting breast tissue na binubuo ng mga glandulang naglilikha ng gatas, ducts na nagdadala ng gatas sa mga utong, at taba.
Ang bawat tao ay ipinanganak na may kaunting breast tissue na binubuo ng mga glandulang naglilikha ng gatas, ducts na nagdadala ng gatas sa mga utong, at taba.
Sa panahon ng puberty, ang mga taong itinalaga bilang babae sa kanilang kapanganakan ay karaniwang nagsisimulang magbuo ng mas maraming breast tissue. Sa kabilang banda, ang mga itinalaga bilang lalaki sa kapanganakan ay karaniwang hindi lumalaki ng mas maraming breast tissue. Ngunit dahil lahat ay ipinanganak na may kaunting breast tissue, ang breast cancer ay maaaring bumuo sa sinoman.
URI NG MALE BREAST CANCER:
DUCTAL CARCINOMA o ang kanser na nagsisimula sa milk ducts, na tinatawag na ductal carcinoma. Ito ang pinakakaraniwang uri ng male breast cancer at nagsisimula ito sa mga tubo na kumokonekta sa utong.
LOBULAR CARCINOMA o ang kanser na nagsisimula sa milk- producing glands, na tinatawag na lobular carcinoma. Ang uri ng kanser na ito ay nagsisimula sa mga glandulang may potensiyal na gumawa ng breast milk. Ang lobular carcinoma ay mas bihira sa mga itinalaga bilang lalaki sa kapanganakan dahil kadalasang mas kaunti ang kanilang mga lobular cells.
Kasama sa iba pang mas bihirang uri ng male breast cancer ang Paget’s disease ng utong at inflammatory breast cancer.
Narito naman ang mga salik (factors) na nagdaragdag sa panganib ng male breast cancer:
Narito naman ang mga salik (factors) na nagdaragdag sa panganib ng male breast cancer:
– Tumataas ang panganib ng breast cancer habang tumatanda. Kadalasang nada-diagnose ang male breast cancer sa mga lalaki sa kanilang 60’s.
– Kung umiinom ng mga gamot na may kaugnayan sa estrogen, gaya ng mga ginagamit para sa hormone therapy sa prostate cancer, tumataas ang panganib ng breast cancer.
– Kung mayroong kamag-anak na may breast cancer, mas mataas ang posibilidad na magkaroon nito.
– Ang ilang pagbabago sa DNA na nagiging sanhi ng breast cancer ay naipapasa mula sa mga magulang patungo sa mga anak. Ang mga taong ipinanganak na may mga pagbabagong ito sa DNA, gaya ng BRCA1 at BRCA2, ay may mas mataas na panganib ng male breast cancer.
– Ang genetic syndrome na Klinefelter syndrome ay nangyayari kapag ang mga lalaki ay ipinanganak na may higit sa isang kopya ng X chromosome. Nakakaapekto ito sa pag-unlad ng testicles at nagiging sanhi ng mga pagbabago sa balanse ng hormones sa katawan, na maaaring magpataas ng panganib ng male breast cancer.
– Ang ilang kondisyon, gaya ng cirrhosis ng atay, ay maaaring magbago sa balanse ng hormones sa katawan, na nagiging sanhi ng pagtaas ng panganib ng male breast cancer.
– Ang obesity ay konektado sa mas mataas na antas ng estrogen sa katawan, na nagpapataas ng panganib ng male breast cancer.
– Ang pagkakaroon ng namamagang testicle (orchitis) o operasyon upang alisin ang isang testicle (orchiectomy) ay maaaring magpataas ng panganib ng male breast cancer.
Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga salik na ito ay makatutulong sa mga lalaki upang mas maayos na makilala ang kanilang panganib sa male breast cancer at makagawa ng mga hakbang upang mapababa ito.