Home NATIONWIDE Konduktor patay sa pagbangga ng bus sa likod ng trailer truck

Konduktor patay sa pagbangga ng bus sa likod ng trailer truck

136
0

LA UNION – Patay ang konduktor at sugatan ang isang pasahero matapos na bumangga ang bus sa likod ng trailer truck sa Brgy. Rissing, Bangar ng lalawigang ito kaninang 3:20 ng madaling-araw, Hulyo 31.

Base sa ipinadalang ulat ng Bangar Municipal Police Station sa Police Regional Office 1, dead on the spot sa naturang insidente ang lalaking 26-anyos, may asawa, residente ng Tuao, Cagayan na konduktor ng Sta. Lucia Bus na may plate number na ACA 7742.

Sugatan din ang 68-anyos, may asawa, residente ng Brgy. Bucao West, Tagudin, Ilocos Sur na pasahero ng bus.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe papuntang hilagang direksyon sa national highway sa naturang lugar ang trailer truck na minamaneho ng isang 29-anyos, walang asawa, residente ng Brgy. Pata East, Claveria, Cagayan nang bumangga sa likuran nito ang bus na minamaneho ni Roberto Abrio y Panunciales, 42, may asawa, residente ng Tuao, Cagayan.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng trailer truck at ang mga kasama nito. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here