MANILA, Philippine- Hindi inaasahang ang nahukay na vintage bomb ang papatay sa isang 42-anyos na barangay councilor at ikasusugat ng helper nito, nang sumabog ito matapos kalikutin sa Brgy. Almaguer South, Bambang, Nueva Vizcaya nitong Sabado.
Batay sa ulat, agad binawian ng buhay ang biktimang si alyas Johnny, kagawad ng Brgy. Baan, Aritao, Nueva Vizcaya.
Lumabas sa imbestigasyon, base kay P/Captain Julius Abon, deputy chief ng Bambang Municipal Police Station (MPS), nahukay ni Johnny at ng kanyang helper sa site ng kanilang proyekto sa Brgy. San Antonio North, Bambang ang nasabing bomba.
Sa paglalayong kalasin ang vintage bomb, dinala ito ng mga biktima sa isang bahay, subalit sa pagkalikot dito ay bigla na lamang itong sumabog. RNT/SA