Home METRO LTO pinagpapaliwanag ni Sen. Tulfo sa paglabag sa Transport Security Act

LTO pinagpapaliwanag ni Sen. Tulfo sa paglabag sa Transport Security Act

Nagsagawa ng Senate Public hearing ang committee nina Chairman Raffy Tulfo at Sen. Mark Villar kamakailan kaugnay sa mga umano’y paglabag ng Land Transportation Office sa Transportation Security Act o ang Magna Carta ng mga mananakay.

Naalarma ang komite sa pagtaas ng mga aksidente nagaganap na ikinasasawi ng mga mananakay sa bansa na sakay ng pangpublikong sasakyan.

Ayon sa pagdinig, tahasan umanong nilabag ng LTO Ang RA.4136 ART.4 SEC.34 dahil sa walang isinasagawang inspection ang LTO gaya ng pagsusuri ng mga preno, tail lights, at iba pa para i-check ang mga gulong sa mga pampublikong mga sasakyan sa bansa kapag ito ay nagpaparehistro.

Bagkus smoke emission lamang ang ginagawa ng LTO na pinapasa at pinapagawa sa Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) o ang Private Emission Testing Center (PETC) na siyang kinomisyon ng ahensiya ng DOTR at LTO na magsagawa ng smoke emission testing kaugnay sa Clean Air Act.

Kaya nakakaligtaan ang road worthiness na no. 1 na obligasyon ng ahensiya ng LTO, na nagiging ugat sa paglobo ng mga aksidente na kinasasangkutang ng mga pang pampublikong sasakyan dahil nakatuon lamang ang PMVIC sa Smoke Emission lamang.

Dumami rin ang backlog ng nagpaparehehistro dahil 80 sasakyan lamang ang maaaring i-accommodate para sa smoke emission kada araw sa bawat tanggapan ng LTO.

Tinatayang aabot sa humigit 21 milyon ang bilang ng pribado at pang publikong sasakyan kasama ang mga motor sa ngayon sa bansa.

Kaya nanawagan ang ibat ibang samahan sa bansa na kinatawan ng mga private at public groups na busisiin ang mandato ng batas pang sasakyan na bigyan ng konkretong proteksyon ang mga mananakay at huwag ikompromiso ang seguridad ng publiko.

Ayon sa publiko, nagaganap ang maraming kapalpakan dahil sa pang sariling interes ng mga bagong nakatalagang opisyales ng DOTr, LTO at LTFRB sa kada pasok ng bagong administrasyon. RNT