MANILA, Philippines- Nakatakdang umpisahan ang konstruksyon ng Freedom Memorial Museum na kumikilala sa mga biktima ng human rights violations sa Martial Law regime ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Disyembre, base sa Commission on Human Rights (CHR) nitong Martes.
Inanunsyo ito ni Negros Oriental Representative Jocelyn Limkaichong, ang designated sponsor ng panukalang P1.1 bilyong budget ng CHR para sa 2025, sa House plenary budget deliberations.
“My dear colleagues, we are all excited because this budget season, this [construction] will be moving forward, talagang matutupad na ito. (The University of the Philippines) actually offered a four-month timetable for demolishing several structures and relocating offices, their supplies, inventories and shop tools,” pahayag ni Limkaichong, tinutukoy ang 1.4 ektaryang pagtatayuan ng Freedom Memorial Museum sa loob ng UP Diliman campus.
“The site is currently occupied by the UP Diliman unit in charge of campus-wide maintenance and repairs as well as a physical setup for special events. UP also agreed that the groundbreaking ceremony for the Freedom Memorial Museum will be by December 15,” dagdag ni Limkaichong.
“This is good news, and we want this information put on record so the public may know. Tagumpay!” giit naman ni ACT Partylist Rep. France Castro.
“I hope we can witness this groundbreaking ceremony,” dagdag ng mambabatas.
Alinsunod ang konstruksyon ng Freedom Museum sa Republic Act 10368 o ang Human Rights Victims Reparation and Recognition Act na naggagawad ng monetary at non-monetary compensation bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga biktima ng human rights violations sa ilalim ng pamumuno ni Marcos, Sr. mula September 21, 1972 hanggang February 25, 1986.
Batay sa tala ng Human Rights Victims’ Claims Board, hindi bababa sa 11,000 survivors ng Martial Law-related atrocities ang nakatanggap ng kompensasyon sa ilalim ng RA 10368. RNT/SA