MANILA, Philippines – Ipagbabawal ang mga contractors sa mga proyekto ng gobyerno sa pamamahagi ng pondo sa mga kandidato, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ito ay paglabag sa Section 95 (c) sa ilalim ng Omnibus Election Code.
Ayon kay Garcia, ito ay election offense na may isa hanggang anim na taon na pagkakakulong at maari rin maging dahilan ng pagkakakansela ng mga lisensya o permit ng mga kumpanya.
Noong Lunes, ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 20% ng kabuuang P545 bilyon pondo ng flood control projects na in-award sa 15 contractors lamang na tinawag nitong nakakabahala. Jocelyn Tabangcura-Domenden