NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng executive order (EO) na magbabalik sa superbisyon o pangangagsiwa ng National Irrigation Administration’s (NIA) sa Office of the President (OP) mula sa Department of Agriculture (DA) at muling ayusin ang korporasyon ng Board of Directors nito.
Sa ilalim ng EO 69, tinintahan ni Pangulong Marcos nito lamang Setyembre 5 at isinapubliko araw ng Martes ang NIA’s attachment ay ibinaba sa OP “for policy and program coordination.”
Matatandaang ang EO 168 ay ipinalabas noong 2022, inilagay ang NIA sa ilalim ng superbisyon ng DA.
“Irrigation management and development is vital towards achieving food security and ensuring infrastructure development in the country, which are among the Administration’s priority initiatives,” ayon sa EO 69.
“It is imperative to streamline and rationalize the functional relationships of agencies with complementary mandates, in order to promote coordination, efficiency, and coherence within the bureaucracy,” ayon pa rin sa EO.
Aayusin din ng EO 69, ang NIA Board ngayon ay bubuuin ng kinatawan mula sa OP; NIA administrator; mga Kalihim ng DA, Department of Public Works and Highways (DPWH), at National Economic and Development Authority (NEDA); at kinatawan ng pribadong sektor na itinalaga ni Pangulong Marcos.
Nakasaad sa bagong EO, ang eleksyon, appointment, o designation ng chairperson, vice chairperson, at iba pang opisyal ng Board of Directors ay dapat ba alinsunod sa Republic Act (RA) 10149 o ng Governance Commission for Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCC) Governance Act of 2011.
Bago pa ipalabas ang EO 69, ang DA secretary ang tatayong chairman ng NIA Board of Directors, habang ang NIA administrator naman ang magsisilbi bilang vice chairperson.
Kabilang din bilang ibang miyembro ay ang DPWH, NEDA, National Power Corp. (Napocor), at kinatawan ng pribadong sektor kinatawan ng rice at corn industry.
Sa pamamagitan ng bagong EO alisin nito ang Napocor bilang board member.
Ang EO 69 ay kaagad na magiging epektibo. Kris Jose