Home NATIONWIDE OVP budget deliberations inisnab ni VP Sara

OVP budget deliberations inisnab ni VP Sara

HINDI nagpakita si Vice President Sara Duterte sa pagpapatuloy ng deliberasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP), araw ng Martes.

Hindi naman nagpadala ng kahit na sinumang kinatawan ang OVP para harapin ang mga mambabatas at idepensa ang kanilang P2 billion budget para sa susunod na taon.

“We defer entirely to the discretion and judgment of the Committee regarding our budget proposal for the upcoming year,” ayon kay VP Sara sa kanyang liham na may petsang Setyembre 10, na tinanggap ng Kongreso bago mag-alas-9 ng umaga.

“The OVP has submitted all necessary documentation to the House of Representatives – Committee on Appropriations, including a detailed presentation on the proposed budget for fiscal year 2025,” ang sinabi ni VP Sara.

Gayunman, naniniwala naman si VP Sara na nasabi na niya ang kanyang posisyon sa isinagawang huling pagdinig.

“I have also articulated my position on the issues outlined in my opening statement during the previous hearing on 27 August 2024,” ang nakasaad sa liham ni VP Sara.

Sa kabilang dako, tinawag naman ni House Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Representative Arlene Brosas ang pang-iisnab ni VP Sara sa pagdinig na “an insult” sa mga miyembro ng Kongreso.

“Madam Chair, isang insulto sa mga mayang Pilipino at sa mga kinatawan dito sa loob ng Kongreso na hinalal ng mamamayan. Ang hiling natin, makapagpaliwanag ng accountability… kasi maraming pa po tayong tanong, kaugnay dito,” ang sinabi ni Brosas.

“She may not like our questions last hearing, Madam Chair. She may not like being questioned about the OVP expenses. She may not like sitting with us here in the House. But, Madam Chair, she is accountable to the people and she has this sworn duty to the Constitution, being the head of the agency, to be here,” dagdag na wika nito.

Samantala, tinawag naman ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na “bratinella to the max” ang vice president dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig.

Nauna nang nang inakusahan ni VP Sara ang mga mambabatas na pinupulitika ang pagdinig sa kanilang panukalang P2.03-billion OVP budget para sa 2025. Kris Jose