TACLOBAN CITY – Nanawagan si Senatorial candidate Manny Pacquiao ng pag-unlad sa pamamagitan ng kooperatibismo habang nakikipagdayalogo sa mga miyembro ng Guardians Brotherhood sa Tacloban nitong Huwebes.
Sa harap ng mga beterano, reservist, at lider ng komunidad na kabilang sa sibiko-militar na samahang Guardians na naitatag pa noong dekada ’70, inilatag ni Pacquiao ang kanyang panukala: gamitin ang lakas ng kapatiran upang isulong ang pang-ekonomiyang pag-unlad.







