Pagpapalakas sa Southern Luzon ang siyang tutukan ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidates sa natitirang campaign period, magkasunod nitong susuyuin ang Quezon at Batangas.
Ngayong araw ay liligawan ng 11 senatorial bets ng Alyansa ang Quezon at sa Mayo 3, ay sa Batangas, ang dalawang magkasunod na rally ay pangungunahan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos.
Itinuturing ang Quezon bilang isa sa may pinakamaraming populasyon at maimpluwensiya sa larangan ng politika sa mga lalawigan sa bansa.
Ang campaign rally ay gagawin sa Quezon Convention Center sa Lucena City.
Ang Quezon ay mayroong1.5 milyo rehistradong botante ng probinsiya.
Bago ang Quezon, nagkaroon din ng campaign stops ang ilang Alyansa bets sa ilang parte ng Southern Luzon, kabilang dito ang Trece Martires City, Cavite noong Marso 11; sa Santa Rosa City, Laguna noong Marso 22 at sa Antipolo City sa Rizal noong Abril 4.
Ayon kay Alyansa campaign manager at Navotas Rep. Toby Tiangco ang Quezon ay nananatiling sandigan ng civic energy at political influence.
Ilalatag ng mga kandidato ng ‘Alyansa’ ang kanilang mga plataporma na nakasentro sa imprastraktura, mabuti at tapat na pamamahala, paglikha ng trabaho, suporta sa lokal na ekonomiya ng Quezon lalo na są agrikultura, turismo at maliliit na negosyo.
“Simple lamang po ang aming mensahe – narito kami para maglingkod. Nais ng ‘Alyansa’ na iangat pa ang Quezon sa pamamagitan ng tunay na reporma, paghahatid ng tumatalimang panunungkulan at mga lider na gumagawa at gagawa pa nga mga polisiyang makakatulong sa bawat mamamayan.” ani Tiangco.
Sa Mayo 3 ay dadayuhin naman ng “Alyansa” ang Batangas na may 1,958,794 registered voters, ang lalawigan ang ika-7 sa vote-rich province sa Pilipinas.
Noong nakaraang eleksyon ay nasa 719,492 votes ang ibinigay ng Batangas kay Pangulong Marcos.
“Batangas has always been a province that sets the tone for elections. Its people are discerning, dynamic and decisive. Alyansa is here to match that spirit with experience, action and a clear plan for a stronger Bagong Pilipinas,” pahayag ni Tiangco.
“Our candidates offer more than promises. They offer experience, action and a shared vision of a better future for Batangas and the entire country,” dagdag pa nito.
Inaasahang tatalakayin ng ‘Alyansa’ sa Batangas sortie ang mga isyu ng disaster resilience, agricultural modernization, rural healthcare, pagpapalakas ng mga imprastraktura at ekonomiya.
Ang campaign rally sa Batangas ay gagawin sa Batangas City Sports Coliseum. RNT