Home HOME BANNER STORY Kopya ‘arrest warrant’ ni Sen. Bato, binandera ni Trillanes

Kopya ‘arrest warrant’ ni Sen. Bato, binandera ni Trillanes

73
0

MANILA, Philippines – Ipinakita ni dating Senator Antonio Trillanes IV nitong Lunes ang hawak niya umanong kopya ang National Bureau of Investigation (National Bureau of Investigation) na arrest warrant mula sa International Criminal Court (International Criminal Court) laban kay Senator Ronald Dela Rosa kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinakita ni Trillanes sa media ang umano’y kopya ng warrant at sinabing pumunta siya sa Senado upang samahan ang mga tauhan ng NBI na umano’y magsasagawa ng pag-aresto kay Dela Rosa.

“Personal request na samahan ko raw pag-aarestuhin siya. Nandito ngayon para arestuhin siya, kaya nandito ako. Nandito ang NBI, aarestuhin siya,” ani Trillanes.

Gayunman, sinabi ng Department of Justice (Department of Justice) na “hindi pa nila nakikita o natatanggap ang anumang sinasabing warrant.”

Wala pang opisyal na kumpirmasyon ang NBI hinggil sa naturang arrest warrant.

Nagpakita pa rin sa Senado si Dela Rosa nitong Lunes sa pagbubukas ng sesyon, kasabay ng pagbabago sa liderato kung saan naluklok si Senator Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President kapalit ni Senator Vicente Sotto III.

Nagkaroon ng tensyon sa Senado matapos igiit ni Dela Rosa na tinangka umano siyang harangan sa pagpasok sa gusali. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here