Home HOME BANNER STORY Sen. Bato isinailalim sa protective custody ng Senado

Sen. Bato isinailalim sa protective custody ng Senado

71
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Inilagay ng Senado sa protective custody si Senator Ronald Dela Rosa nitong Lunes habang nahaharap ito sa posibleng pag-aresto kaugnay ng kanyang papel sa anti-drug campaign ng nakaraang administrasyon.

Ang mosyon ay inihain ni Senator Rodante Marcoleta sa plenary session, kung saan hiniling niyang manatili si Dela Rosa sa kustodiya ng Senado “hanggang matapos ang lahat ng legal na remedyo” para sa kanyang depensa.

“I move that Senator Bato be placed under the Senate protective custody until he is able to get all and exhaust all legal remedies to protect himself and until this institution is able to do just the same,” ani Marcoleta.

Walang senador ang tumutol sa mosyon, at kalauna’y inaprubahan ito ni Senate President Alan Peter Cayetano.

Naganap ang hakbang sa gitna ng mga ulat ng posibleng pag-aresto kaugnay ng kasong International Criminal Court (International Criminal Court) na may kaugnayan sa umano’y crimes against humanity sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Una nang ipinakita ni dating Senator Antonio Trillanes IV ang umano’y kopya ng ICC arrest warrant laban kay Dela Rosa sa Senado.

Si Dela Rosa ay kabilang sa mga itinuturong co-perpetrators sa kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bilang hepe ng Philippine National Police mula 2016 hanggang 2018, pinangunahan niya ang anti-drug campaign na nauwi sa pagkamatay ng libo-libong hinihinalang drug suspects.

Ito ang unang pagharap ni Dela Rosa sa Senado mula nang lumabas ang ulat noong Nobyembre ng nakaraang taon hinggil sa umano’y ICC arrest warrant laban sa kanya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here