Home OPINION KORAP PANALO, PEOPLE POWER TALO

KORAP PANALO, PEOPLE POWER TALO

167
0

BATAY sa naganap na paggunita sa ika-40 anibersaryo ng People Power 1 kahapon, tila lumitaw nang klaro na panalo ang mga korap at talo ang nag-People Power.

Noong madaling araw ng Pebrero 25, 1986, lumayas sa Malakanyang ang mga pinakakorap at dinala sila sa Guam ng mga amo nilang Kano na nagpaupo sa kanila noong una habang may lumayas at nanatili sa Pinas naman na mga crony nila.

Milyones ang pwersa noong 1986 na nagpalayas at nagpabagsak sa mga korap.

Kahapon naman, wala na iyong milyones na mamamayan kundi libo lang at pinarami lang ang bilang nila ng libo-libong pulis na nagbantay sa Edsa Shrine at People Power Monument para tiyakin ang mapayapang rally at maayos na daloy ng trapiko.

Hanggang laway lang ang mga sigaw na “managot ang dapat managot.”

Resulta? Walang korap na bumagsak at lumayas at, sa halip, nananatili silang matatag sa pwesto.

Nanaig pa nga sila sa pag-uutos sa mga raliyista na huwag na huwag maghayag ng anomang salitang masasakit sa tenga ng mga korap…kung hindi kakasuhan sila ng sedisyon at aarestuhin, gaya ng nangyari sa isang dating mataas na heneral ng Armed Forces of the Philippines.

Ang nakababalahaw pa nga, habang walang salita para pabagsakin ang mga pinuno ng pinakamalalaking korapsyon sa Pinas, ang mga pinagbibintangan ng maliliit na korapsyon ang nais nilang pabagsakin at palayasin sa pwesto.

Kapag ganito ang People Power 1, wala na ngang saysay ito para bigyan ng halaga at magsilbing inspirasyon tungo sa paglaya ng sambayanan sa kuko ng mga korap.

Siguro, sapat nang ibinunga ng People Power 1 ang kalayaan sa paghahayag ng damdamin.

Ngunit napakalungkot isiping walang nakikinig dito, lalo na sa parte ng mga korap na nasa poder na very happy sa kawalan na ng anomang pangil ng People Power 1 ngayon laban sa kanila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here