MANILA, Philippines – Idineklara ng technical working group (TWG) ng Commission on Elections-Special Bids and Awards Committee (Comelec-SBAC) na eligible ang lone bidder sa Lease of Full Automation System with Transparency Audit/Count (FASTrAC) project para sa 2025 midterm polls.
Sa pangalawang pagbubukas ng bids nitong Lunes,inanunsyo ng TWG na ang Joint Venture – Miru Systems Co. Ltd., Integrated Computer Systems, St. Timothy Construction Corporation and Centerpoint Solutions Technology, Inc. ay eligible para sa procurement project na may total approved budget na P18.827 bilyon.
Nagsumite ang Korean firm ng bid proposal na nagkakahalaga ng P17.98 bilyon.
Ito ang unang partisipasyon ng Miru sa naturang bidding, ayon sa Comelec.
Sa kabilang banda, inaprubahan ng SBAC ang panukala sa rekomendasyon ng grupo.
“We found the same to be in order. Therefore, we approve the recommendation of the TWG and the bidder, joint venture Miru Systems, is hereby declared eligible. With that, we may now go to the opening of the financial envelope,” ayon sa Comelec.
“Offer of the bidder, as contained in the Annex G, is for the sum of P17,988,876,168.80,” dagdag pa ng SBAC.
Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, na anim na kumpanya ang nakabili ng bidding documents ngunit ang Miru Systems lang ang nagsumite ng bid.
Ang iba pang bidder ay ang Dominion Voting Systems-IFort City Center, Inc.; Indra Philippines, Inc.; AMA Group Holdings Corp.; Pamamahala, Insultant; at SMMT-TIM 2016, Inc.
Ayon Kay Laudiangco, ang susunod na hakbang ay ang post-qualification process, kung saan ang komite ay susuroing mabuti ang lahat ng don’t kumento.
Tatagal ng isang linggo o isang buwan ang post-qualification process ayon pa kay Laudiangco. Jocelyn Tabangcura-Domenden