Home HEALTH Surrogacy ipagbawal sa buong mundo – Pope Francis

Surrogacy ipagbawal sa buong mundo – Pope Francis

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pope Francis noong Lunes para sa isang pandaigdigang pagbabawal sa surrogacy, at sinabing ang kaugalian ng isang babae na nagdadala ng anak ng ibang tao ay “nakakalungkot.”

Sinabi ng 87-taong-gulang na pontiff sa kanyang talumpati sa mga diplomat, na ito ay isang “malaking paglabag sa dignidad ng babae at ng bata.”

Sinabi ng Santo Papa, na ikinalulungkot niya ang tinatawag na surrogate motherhood na kumakatawan sa isang matinding paglabag sa dignidad ng babae at ng bata, batay sa pagsasamantala sa mga sitwasyon ng materyal na pangangailangan ng ina.

“A child is always a gift and never the basis of a commercial contract. Consequently, I express my hope for an effort by the international community to prohibit this practice universally,” saad ng pontiff.

Noong Hunyo 2022, kinondena ng papa ajh surrogacy bilang isang “inhuman” practice. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)