QUEZON, Philippines – Isang Koreano ang nasawi matapos tamaan ng umiikot na electric grinder sa Sitio Labak, Barangay Janagdong 2, nitong Biyernes, ayon sa pulisya.
Kinilala ang biktima na si Killku, 59 taong gulang.
Batay sa imbestigasyon, nagtatrabaho siya sa kanyang bahay na kasalukuyang ginagawa nang mangyari ang insidente.
Ayon sa ulat, isinaksak ng biktima ang electric grinder nang hindi niya alam na naka-on na pala ito.
Tumama ang electric grinder sa kanyang kaliwang braso, na nagdulot ng matinding pinsala.
Agad siyang dinala sa ospital ngunit binawian ng buhay noong Disyembre 13 bandang alas-5 ng hapon. RNT/MND