Home METRO Estudyante pinilit ng guro na kumain ng ipis sa Maynila

Estudyante pinilit ng guro na kumain ng ipis sa Maynila

279
0

MANILA, Philippines – Isang 12-anyos na estudyante ang umano’y sinaktan at pinilit na kumain ng ipis ng isang guro na nahuli niyang nangmomolestiya sa isa pang babaeng estudyante sa loob ng kanilang paaralan sa Tondo, Maynila, sabi ng Manila Police District (MPD).

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente noong Oktubre 15 nang mahuli ng biktima ang suspek, na kinilalang si Nel, 53, na tinaguriang most wanted person ng MPD, na nakipagtalik sa isa pang estudyante sa loob ng comfort room ng paaralan.

Sinabi ng biktima na sinubukan niyang tumakas kay Nel, ngunit mabilis siyang nahuli ng suspek at kasunod na dinala sa loob ng comfort room.

Sinaktan umano ng suspek ang biktima at pinilit itong kumain ng ipis bago ito pinagbantaan pa kung sasabihin nito sa iba ang pangyayari.

Gayunpaman, iniulat ng bata ang insidente sa kanyang mga magulang at mga awtoridad, na naglunsad ng surveillance at follow-up operation laban sa guro.

Inaresto si Nel sa loob ng campus ng paaralan noong Disyembre 12 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court, Branch 38, dahil sa paglabag sa RA 7610.

Itinanggi niya ang mga paratang sa kanya ng biktima, at sinabing hindi nangyari ang insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here