Home NATIONWIDE Koreans, Chinese pinakamarami sa 180 puganteng dayuhan na naaresto ng BI noong...

Koreans, Chinese pinakamarami sa 180 puganteng dayuhan na naaresto ng BI noong 2024

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 180 dayuhang pugante na wanted sa iba’t ibang krimen ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) noong 2024.

Sa report ng fugitive search unit (FSU) ng BI, nasa 74 ang Korean national at 62 ang Chinese national sa mga naarestong pugante.

Sinundan ito ng 12 Taiwanese, 11 Japanese, pitong Amerikano, dalawang Italian at dalawang Australian.

Dagdag pa, naaresto rin ng BI-FSU ang tig-iisang indibidwal mula Britain, Canada, Germany, India, Indonesia, Jordan, Kyrgyzstan, Liberia, Nigeria, at Serbia.

“Nearly all of them were already deported to their countries of origin where they are currently serving time in prison after being convicted for crimes they committed,” saad sa pahayag ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy.

Ang mga naarestong pugante ay sangkot sa mga krimen gaya ng economic crimes, investment scams, illegal gambling, money laundering, telecommunications fraud, robbery, at narcotics trading.

Kabilang sa naaresto ang mga miyembro ng notoryus na “Luffy” gang na sina Takayuki Kagashima, Sawada Masaya, Ueda Koji, Sjuzuki Seiji, Kiyohara Jun, Nagaura Hiroki—na lahat ay wanted sa scam, extortion at fraud activities. RNT/JGC