Home NATIONWIDE 17 probinsya binalaan sa malalakas na ulan ‘gang Martes

17 probinsya binalaan sa malalakas na ulan ‘gang Martes

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 17 probinsya ang inilagay ng PAGASA sa heavy rainfall outlook mula ngayong araw, Pebrero 10, hanggang bukas, Pebrero 11 dahil sa epekto ng shear line.

Sa pinakabagong advisory, inaasahan ang 100 hanggang 200 millimeters ng ulan, o heavy to intense rainfall mula ngayong araw hanggang Martes ng tanghali sa mga sumusunod na lugar:

Palawan
Sorsogon
Albay
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Leyte
Southern Leyte
Biliran

“Numerous flooding events are likely, especially in areas that are urbanized, low-lying or near rivers,” ayon sa PAGASA.

Dagdag pa, ang pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar ay “moderate to highly susceptible areas.”

Samantala, walong probinsya ang inilagay sa katamtaman hanggang malakas na ulan, o 50 hanggang 100 mm ng ulan:

Quezon
Oriental Mindoro
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Masbate
Dinagat Islands
Surigao del Norte. RNT/JGC