Manila, Philippines – Muling aarangkada sa ere si Korina Sanchez via Bilyonaryo News Channel (BNC). Ito ang bagong broadcast channel na naghahain ng mga bagong panoorin sa publiko tulad ng comprehensive coverage ng ating mga national issues, politics, lifestyle and sports.
Pinaghandaan ang pagtatatag ng BNC dahil bongga ang line-up nila ng mga veteran journalists and media personalities sa pangunguna ni Korina na muling nagbabalik sa news arena matapos ang halos 10 taon.
Matatandaang matapos umalis sa TV Patrol noong 2015 ay nag-focus si Korina sa lifestsyle programming tulad ng ‘Rated Korina’ (aired on TV5, A2Z, and Kapamilya Channel) and ‘Korina Interviews’ (on Net 25).
Her move to BNC signals a significant return to her roots in news and public affairs.
Sa kanyang Instagram ay nag-post na si Korina ng teaser ng BNC at aniya sa caption, “And now… Back to the news.”
Mainit namang tinanggap ng netizens ang pagbabalik ni Korina.
Makakasama ni Korina sa BNC ang iba pang notable media figures, tulad ni former CNN Philippines senior anchor Pinky Webb at ang mga dating ABS-CBN News Channel personalities na sina Marie Lozano at Maiki Oreta.
Sa panig naman ni Pinky, ito ang ipinahayag niya sa kanyang IG: “From the Web to Television.
“Excited to get back to work.”
Kinuha rin ng station ang serbisyo ng lawyer na si Karen Jimeno na dating undersecretary for disaster resilience under President Rodrigo Duterte. Siya naman ang hahawak ng public affairs programming ng network.
Kasama rin sa line-up ang dating ‘Newsfeed’ anchor na si Mai Rodriguez at ang sports commentator and anchor na si Paolo del Rosario.
Sa mga bigating line-up pa lang na ito, inaasahang gagawa agad ng sariling marka ang BNC sa Philippine media landscape, offering viewers a fresh and comprehensive approach to news reporting.
Ang BNC ay mapanood na sa free TV Channel 31 at sa cable via Cignal Channel 24. Nonie Nicasio