Home NATIONWIDE Kotse, nahulog sa bubong ng bahay

Kotse, nahulog sa bubong ng bahay

BAGUIO CITY – Nahulog sa isang bubong ng bahay ang minamanehong kotse ng isang estudyante sa Camp 7, Baguio City.

Maswerteng walang sugat ang drayber ng sasakyan na minaneho ni Edrian Vergara De Guzman, 22 anyos.

Iniahon ng Bureau of Fire Protection-Baguio, 911 personnel, at mga pulis ang nasabing sasakyan at iniligtas ang driver.

Napag-alaman na galing ang sasakyan sa lungsod at papunta sa Camp 7 nang madulas ang likurang gulong nito dahil sa basang kalsada bunsod ng pag-ulan, at posibleng dahil sa mabilis na patakbo ng drayber.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber hanggang sa mahulog ito sa bubong ng isang bahay.

Hindi naman nagtamo ng injuries ang drayber, subalit nagkaroon ng pinsala ang kotse, ang bubong ng bahay at ang barikada na nabangga nito bago bumagsak sa bubong. REY VELASCO