Home METRO Mangingisdang wanted, nalambat

Mangingisdang wanted, nalambat

MANILA, Philippines – Nalambat ng mga awtidad ang isang mangingisda na wanted sa kaso ng human trafficking matapos ang manhunt operation sa Navotas City.

Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) P/Col. Josefino Ligan, iniutos niya sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa 26-anyos na mangingisda na nakatala bilang No. 7 Top Ten Most Wanted Person sa lungsod.

Dakong alas-3:10 ng hapon nang tuluyang masukol ng tumutugis na mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ang akusado sa Brgy., Tangos South.

Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Cecilia Bunagan Parallag, ng RTC Branch 9FC, Navotas City, noong February 24, 2020, para sa paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) as amended by RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012).

Ayon kay Col. Cortes, walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nakapiit ngayon sa Costudial Facility Unit ng Navotas police habang hinihintay ang commitment order mula sa korte. Rene Manahan