Home METRO Kotse ng journo sapul ng Molotov bomb

Kotse ng journo sapul ng Molotov bomb

MANILA, Philippines- Napinsala ng Molotov bomb attack ang sasakyan ng photojournalist na kinilalang si Michael Varcas sa Quezon City nitong Miyerkules ng umaga, kung saan dalawang motorcycle-riding suspects ang nakatakas.

Sa ulat nitong Sabado, ibinahagi ni Varcas na nasa bahay siya nang makarinig siya ng motorsiklo na tumigil malapit sa nakaparada niyang sasakyan.

“I woke up just before the explosion because I heard a loud noise from a motorcycle in front of my residence,” pahayag niya. “A few seconds after it left, there was a powerful bang. When I stepped outside, I saw my car was on fire.”

Agad na tumawag si Varcas ng emergency services, dahilan upang agad rumesponde ang Quezon City Police (QCPD) at Explosive Ordnance Disposal unit. Agad namang hinalughog ang lugar upang matiyak na wala nang ibang pampasabog.

Natukoy ng mga imbestigador na ang Molotov cocktail na ginamit sa pag-atake ay inilagay sa loob ng plastic bottle na may lamang gasolina.

Nahagip sa CCTV footage ang pagtigil ng motorsiklo malapit sa sasakyan ni Varcas, kung saan sinindihan ng suspek ang pampasabog bago ito tumakas.

Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil naka-helmet ang mga ito.

Inaalam din ng mga awtoridad kung si Varcas ang target, dahil wala naman itong naiulat na banta sa kanyang trabaho.

“We are looking into the possibility that this may be connected to his work, and we are taking it seriously,” pahayag ni Police Lieutenant Colonel Leonie Ann Dela Cruz, Station Commander ng QCPD Station 10. RNT/SA