Home ENTERTAINMENT Kris at Marc, “nagburahan” sa IG!

Kris at Marc, “nagburahan” sa IG!

Manila, Philippines – Tuluyan nang in-unfollow ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ang off-and-on boyfriend niyang si Batangas Vice Governor Marc Leviste.

“No results found” na nga si Marc out of the 537 accounts that Kris has religiously been following on IG.

Nauna rito, ipinost ni Kris ang screen shots ng tatlong mensahe niya kay Marc.

Ang una’y tinatanong ni Kris si Marc kung hindi raw ba ito napapagod kapapadala ng mga mensahe sa kanya gayong dalawa’t kalahating linggo na siyang hindi nagre-reply.

In summation, ang gustong mangyari ni Kris ay putulin na nila ni Marc ang kanilang communication lines.

Isa nga sa mga ibinigay na dahilan ni Kris ay ang hirap ng pagkakaroon ng long distance relationship such as theirs.

Marami naman ang nagsasabing may nag-trigger para magpasya ng ganoon si Kris.

Hindi raw kasi nagustuhan ni Kris ang ipinost ni Marc ng larawan niya kasama sina Phillip Salvador at Senator Robin Padilla.

It’s a known fact that Kris and Phillip were once a couple.

Kris’ eldest son Joshua is sired by Ipe (palayaw ni Phillip).

Alam din sa showbiz circles na may nakaraan sina Kris at Robin.

This was during the 90s but Kris ended up with Ipe.

As we all know, hindi maayos ang relasyon nina Kris at Ipe all because of the latter’s failure to support Joshua.

And of all people nga naman who Marc would want to have his picture taken ay bakit kasama pa nina Phillip at Robin?

It must have been a late realization on the part of Marc kaya binura na rin nito ang litrato nilang tatlo.

But people doubt kung hindi ito alam ni Marc.

How insensitive of him nga naman to have their photo posted, knowing na makikita ‘yon ni Kris!

As it is now, mukhang malabo na ang gustong mangyari ni Marc na maikasal sila ni Kris sa mismong New Year para raw pinagigitnaan ng kanilang mga kaarawan. Ronnie Carrasco III