Home ENTERTAINMENT Kris, balik-shopping sa US, ok na?

Kris, balik-shopping sa US, ok na?

Los Angeles, USA – Kung totoo man, welcome news ito para sa mga kaibigan at tagahanga ni Kris Aquino who have been praying for her recovery.

Matatandaang last month nang ibalita niya na nagre-respond daw positively ang kanyang bagong treatment.

‘Yun nga lang, tamang antok daw ang epekto nito.

In her latest Instagram post, ikinatuwa naman ng mga netizens ang palatandaan ng bumubuti na niyang kalagayan compared to how she looked months ago.

Friends and fans of Kris took delight in seeing her na nagkalaman na ang pisngi, hindi tulad ng mga nagdaang buwan na humpak ang kanyang mukha.

At para sa mga nakakakilala kay Kris during her healthier days, tanyag ang Queen of All Media bilang shopaholic.

Gaano raw katotoo na nanumbalik na ang shopping binge ni Kris sa US?

Si Kris pa naman, kung mag-shopping ay wagas!

If there’s truth to this, well and good for Kris dahil ito ang kanyang kinahiligan noong malakas pa siya.

Magandang malamang ganado nang muling magbihis si Kris as did she, na kung ano ang uso’t mamahalin ay tiyak na meron siya.

Shopping lang pala ang makakagamot kay Kris? Ronnie Carrasco III