Manila, Philippines- Post-partum blues: gaano nga ba katagal itong nararanasan pagkapanganak?
Sa kaso kasi ni Kris Bernal, patuloy pa rin daw siyang inaatake nito to think na walong buwan na ang nagdaan mula nang ipanganak niya si Baby Hailee.
Si Baby Hailee ang firstborn child nila ng asawang si Perry Choi
Just when she thought na well-adjusted na siya dapat ay hindi pa rin daw pala.
May mga pagkakataon daw na iniiyak na lang ni Kris ang aniya’y “helpless” state niya.
Gustuhin man daw ng freelance actress na ibalik ang dating Kris Bernal (as in prior to her pregnancy) ay mahirap gawin.
Ayaw naman daw niyang magmukhang reklamadora.
After all, ginusto naman niyang magbuntis.
It’s just that Kris didn’t see the accompanying struggles coming.
Her concern now ay makahanap ng taong mapagkakatiwalaan niya in taking care of Baby Hailee while she endeavors to bring her old self back.
Wala ba kayong napapansing kaibahan ni Kris sa llang first-time celebrity moms tulad halimbawa nina Angelica Panganiban, Iza Calzado, Jessy Mendiola, to name a few?
Parang bukod-tanging si Kris lang ang hindi nauubus-ubusan ng mga hanash sa pag-aalaga ng anak! Ronnie Carrasco III