MANILA, Philippines – UPANG maisulong ang programa ng pamahalaan ikinagalak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-apruba ng Kongreso para sa consolidated version ng proposals na naglalayon na gawing institutionalize ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program ng ahensya.
“The department would like to express our gratitude to the House committee on social services for supporting our government’s flagship program on eradicating involuntary hunger among our kababayans,” ani DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Irene Dumlao.
Sa ginanap na pagdinig nitong Martes (May 14), na dinaluhan ni DSWD Asst. Secretary for Innovations Baldr Bringas, inaprubahan ng House Committee on Social Services ang mga substitute bill to House Bills No. 8532, 8899, 10010, at 10202, na layong palakasin ang anti-involuntary hunger program ng gobyerno.
“The DSWD views the approval of this bill as a testament to the government’s commitment to fostering food security and uplifting the lives of the most vulnerable sectors of society,” sabi ng DSWD spokesperson.
Kaugnay nito ayon pa sa tagapagsalita ng ahensya, ang approval ng nasabing bill ay magbibigay ng security sa existence ng programa ganun din ang additional funding upang maisagawa ng DSWD ang goal ng FSP.
Ang FSP ay nagbibigay ng holistic approach upang maibsan ang involuntary hunger upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga beneficiaries gaya ng monetary-based assistance gayundin ang pagbibigay sa mga ito ng training upang ma-improve ang kanilang employable skills.
Sa ilalim ng nasabing programa, ang qualified beneficiaries ay maaaring gumamit ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards na may Php 3,000 worth of food credits na pwedeng gamitin pambili ng food items sa mga accredited retailers.
Binigyang diin ng DSWD spokesperson na ang ahensya bilang lead implementing agency ng programa ay patungo na sa pag-angat ng implementasyon para sa FSP upang i-cover ang 300,000 beneficiaries ngayong July. Santi Celario