MANILA, Philippines – Tuluyan nang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang co-accused ni Cedric Lee na si Ferdinand Guerrero.
Sa inisyal na ulat, pasado ala 1 ngayong hapon nang personal na na sinundo ni NBI Director Menardo de Lemos ang negosyanteng si Guerrero sa isang gusali sa Makati City.
Umaasa naman ang akusado na uusad ng maayos ang proseso ng kanilang kaso na kinakaharap.
Ayon naman sa kanyang legal counsel, maghahain sila ng ibat-ibang mosyon lalo ngayong may kinakaharap na kondisyon sa kanyang kalusugan at sumasailalim sa medication.
Nakatutok naman ang medical staff ng NBI habang siya ay sumasailalim sa medical procedures upang makita ang kondisyon ng kanyang kalusugan.
Inaasahan ding sasailalim na sa mugshot at fingerprint at documentation ng NBI si Guerrero.
Siya ay kapwa akusado ni Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pang respondents kaugnay sa serious illegal detention complaint na inihain ng TV host/ actor na si Vhong Navarro. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)