Manila, Philippines- Simple and intimate.
In a capsule, ganito maaaring ilarawan ang naging pagdiriwang ni Bimby ng kanyang 18th birthday.
Bimby–Kris Aquino’s son by cager and San Juan City Councilor James Yap–turned 18 last April 19.
Nagdiwang ito sa tinutuluyang bahay nilang mag-iina, kasama rin si Joshua–Kris eldest and only child by Philip Salvador.
Makahulugan ang ipinost na mensahe ng makeup artist at isa sa mga BFF ni Kris na si RB Chanco.
Proud si RB of what Bimby has become.
Naniniwala si RB that it’s Bimby who keeps his mom going sa kabila ng pinagdaraanan nito.
Kris has been diagnosed with nine (9) types of autoimmune disease.
Ayon pa kay RB, si Kris na rin ang nagpahayag ng takot at pagkabahala nito as she feels spending with Bimby on his 18th birthday would be her last time to be with her son.
Hanga naman si RB sa ipinamamalas na suporta at pag-aalaga sa kanyang ina–bagay na pinagkukunan ng lakas ni Kris.
Samantala, hindi rin nakaligtaang batiin ng happy birthday ni James Yap si Bimby–bagay na minasama ng ilang netizens.
Ginagamit daw kasi ni James ang anak sa pangangampanya nito.
May mga dumepensa naman kay James. Ronnie Carrasco III