Home ENTERTAINMENT Kris, may health updates!

Kris, may health updates!

Los Angeles, USA – Sa pamamagitan ng kanyang close friend, ang dating entertainment editor na si Dindo Balares, ay ibinahagi ni Kris Aquino ang resulta ng kanyang latest medical checkup.

Kamakailan daw ay kumonsulta si Kris sa kanyang cardiologist.

Aniya: “There’s a problem with my heart–genetics.”

Tinawag ni Kris na “misbehaving” ang kanyang blood pressure.

Normally daw ay 142/120 ang BP niya.

“High cholesterol and trigyceramides that I can’t be treated because I’m underweight,” ani Kris.

Ninety one kilograms lang daw ang timbang niya.

Ang scary part daw sa kanyang BP ay ang diastolic at taas ng cholesterol level.

If it’s any consolation daw, “My autoimmune is finally responding to methotrexate!”

Paulit-ulit ding ipinaalala ni Kris kay Dindo na on her behalf ay nais niyang magpasalamat sa lahat ng mga nagdasal para sa kanya.

Medyo malungkot lang na ibanalita ni Kris na matatagalan pa raw bago niya makitang muli at makapiling ang kanyang mga ate na miss na miss na raw niya.

Nasa bansa ang elder sisters ni Kris na sina Ballsy at Viel, so is her eldest son Joshua.

Tanging ang bunso niyang si Bimby ang kasama ni Kris sa Orange County sa Los Angeles, California.

To Kris, hangad namin ang lalo pang pagbuti ng iyong kalusugan. Ronnie Carrasco III