Home ENTERTAINMENT Kris, nagpaliwanag sa naka-uniform na mga yaya!

Kris, nagpaliwanag sa naka-uniform na mga yaya!

190
0

Manila, Philippines – Sa pamamagitan ng TikTok, nagpaliwanag si Kris Bernal kung bakit nakauniporme ang kanyang mga kasambahay kahit lumalabas sa tinirirhang condo.

Bina-bash kasi ang aktres kung bakit hindi man lang nito pinagbibihis ng ibang kasuotan ang mga namamasukang yaya.

Ani Kris, bago daw namasukan ang mga ito’y tinanong sila ng asawang si Perry Choi.

Ito’y kung gusto nilang magsuot ng uniform.

Ang sagot daw ng mga ito ay oo, kung kaya’t the employer-couple provided them with uniforms.

“Ngayon, choice na nila ‘yan pag lalabas. Tinatanong din namin sila pag lalabas kami kung gusto nilang magpalit, ayaw naman nila. Hindi ko alam kung bakit,” saad ni Kris.

May kalayaan naman daw ang kanilang mga kasambahay to wear whatever they please.

Giit ng aktres: “Puwedeng mag-dress, mag-spaghetti strap. Kung gusto nila, mag-tanga pa. Ayaw lang talaga nila magpalit!”

Pangit naman daw kung pipilitin sila ni Kris kung labag sa kalooban nila: “‘Yung magmamakaawa ako…baka awayin lang nila ako!”

Hindi nga daw niya maintindihan why she gets bashed gayong maraming artistang may mga

kasambahay na naka-uniform din: “Bakit parang galit na galit kayo sa akin?”

To prove her point, tinawag ni Kris ang isa sa kanila: “Hay, naku, Ate Tina, ikaw na nga ang mag-explain sa kanila!”

Sumang-ayon naman ang naturang kasambahay sa aktres: “Talagang kami po ‘yung may gustong mag-uniform!”

Ayaw daw ng mga ito na bihis nang bihis, dagdag labahin pa daw ‘yon.

Malinaw na, ha? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here