Home ENTERTAINMENT Kris, namigay ng mga gown sa yaya!

Kris, namigay ng mga gown sa yaya!

Los Angeles, USA – Kung hindi mo na isinusuot pero puwede pang pakinabangan ng iba, it’s either you dispose of them by selling it or simply give it away.

Marami nga ang “naadik” na bumili ng mga pre-loved items ng mga artista who are into live online selling.

Items vary from clothes to accessories to designer bags.

Parang karangalan ng buyer na gumamit ng mga bagay na dating pag-aari ng mga artista.

Ang taunang bazaar na inilunsad ng GMA is one perfect example of one-stop shopping where one can choose from a wide array of merchandise previously owned by famed celebrities.

Of our local stars, kilalang nagbebenta ng kanyang mga pre-loved items si Mariel Rodriguez.

And take note, Senator Robin Padilla’s wife is doing brisk business!

Mahusay rin kasing mag-sales talk si Mariel kaya wala siyang kahirap-hirap ibenta ang kanyang mga gamit.

Mariel is so effective as an online seller to the point na nakuha niya ang tiwala ng mga kapwa niya celebrity.

These celebrities are tapping on Mariel’s skills kaya pinatitinda nila ang mga items sa kanya.

Iba naman ang kaso ni Kris Aquino, herself a walking cabinet ng mga kasuotan na hindi na niya ginagamit.

Kris has a voluminous collection of pricey gowns na saan nga naman niya isusuot, wala naman siyang pinupuntahang showbiz events?

Ang ending: ipinamimigay na lang ng Queen of All Media ang mga gowns na ‘yon.

The lucky recipients ay mga yaya lang naman niya.

Ani Kris, maaari raw isuot ‘yon ng mga yaya pag sumali sila sa santacruzan.

How truly charitable of Kris kaso funny lang.

Inclined ba namang makilahok ang kanyang mga nannies sa mga Flores de Mayo?

At since tuwing buwan lang ng Mayo ginaganap ang tradisyunal na paradang ‘yon, ilang taon pakikinabangan ng mga yaya ang pre-loved gowns niya?

Puwede bang sa dami ay magkaroon ng multiple gown changes ang kalahok na yaya?

Swak din kaya sa sukat nila ang mga gowns?

If ever, paano pa sila magkakaroon ng time na alagaan si Kris kung walang inatupag ang mga ito kundi sumali nang sumali kung saan may santacruzan?

Doesn’t Kris like to sell her gowns instead, the sales of which ay siya na lang niyang ibigay sa mga yaya niya as additonal compensation? Ronnie Carrasco III