Manila, Philippines- May pag-amin na mula mismo sa Canadian singer-songwriter na si Michael Bublé na ang dyosang naka-date niya noon ay si Kristine Hermosa.
Taong 2005 nang malathala ‘yon sa isang broadsheet.
Muli kasing pinag-usapan ito makaraang tanghaling kampeon ng The Voice Season 26 si Sofronio Vasquez.
Karangalan ito ng ating bansa dahil si Sofronio ang kauna-unahang Pilipino at Asyano to have won sa naturang kumpetisyon sa TV.
Si Michael ang nagsilbing coach ni Sofronio.
Nabanggit nito na may “deep connection” si Bublè sa Pilipinas.
Kumpare pala ni Bublè si Martin Nievera.
Bukod dito’y nagkaroon ng pagkakataon si Bublè na maka-date si Kristine.
Tulad ng alam ng lahat, si Kristine ang maybahay ni Oyo Boy Sotto.
May anim na silang anak.
Samantala, Bublè is married to Argentinian actress Luisana Lipilato with whom they have four children.
Nilinaw naman noon ni Bublè na fan siya ni Kristine at walang namagitang “romance” sa kanila.
Bago ang kanyang pagkapanalo sa The Voice, tatlong beses sumali si Sofronio sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime pero bigo siyang maiuwi ang kampeonato.
Mula sa Remate Online, ipinagmamalaki ka ng bawat Pilipino, Sofronio! Ronnie Carrasco III